Magpapatupad ng Maximum deployment ang Philippine National Police sa traslacion 2024.
Ayon kay PNP Public Information Office chief Col. Jean Fajardo, mayroon nang security template na sinusunod ang PNP sa ganitong klaseng mga aktibidad, pero dahil sa nangyari sa Marawi, magiging mas strikto sila sa pagpapatupad ng seguridad.
Ito’y para hindi malusutan ng anumang banta ang traslacion.
Tiniyak naman ni Fajardo na on board ang lahat ng security agencies gayundin ang mga namamahala sa Quiapo Church para masiguro ang kaligtasan ng lahat ng lalahok sa aktibidad.
Noong Sabado, nagsagawa na ng walk-through ang PNP kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno sa ruta ng tradisyunal na traslacion bilang bahagi ng paghahanda para sa Pista ng itim na Nazareno sa January 9.