Naaagnas na bangkay ng isang babae natagpuan sa bayan ng Sta. Elena, Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Isang nabubulok na bangkay ng isang babae ang natagpuan sa mismong tirahan nito dakong alas 10:00 ng umaga, Mayo 27, 2021 sa Purok 7, Barangay San Lorenzo, Sta Elena, Camarines Norte.

Ang biktima ay nakilalang si TERISITA REYES y Isipin, 61 taong gulang, hiwalay sa asawa, walang trabaho at residente ng nabanggit na lugar.

Sa report ng pulisya,  dalawang barangay tanod mula sa Brgy. San Lorenzo, Sta. Elena ang personal na nagpaabot ng impormasyon sa Sta. Elena MPS ukol sa natagpuan nilang bangkay sa loob ng isang bahay kubo.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Diumano, bago ang pagkakatuklas sa bangkay, isang concerned citizen ang nagpaabot sa kanila patungkol sa nakakasulasok na amoy na nagmumula  malapit sa bahay ng biktima.

Ang nasabing bangkay ay natagpuan na nasa estado na ng pagkabulok at pinaniniwalaang ilang araw ng patay.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Napagalaman sa isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad na ang biktima ay mag-isang naninirahan sa kanyang tirahan at may iniindang karamdaman na tinatawag na myoma at sakit sa puso na pinaniniwalaang dahilan ng kanyang kamatayan.      

Ang mga labi ng biktima ay isinailalim sa  Post Mortem Examination.