5 kriminal sa rehiyon, nahuli sa 2 araw na operasyon ng PNP Bicol

BNFM BICOL – NAHULI ang limang most wanted na kriminal sa iba’t ibang bahagi ng Bicol sa isinagawang 2-day intensified operations against criminals ng Philippine National Police o PNP Bicol.

Ayon kay PRO5 spokesperson Lt. Col. Malu Calubaquib naaresto ang isang most wanted person sa regional level, isa sa provincial level, at dalawa sa municipal level kasama ang isang wanted person.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Ang mga naaresto ay sila alyas “Roby” na nahuli sa Masbate City at most wanted sa CALABARZON, si alyas “Richmond” na naaresto sa Capiz at most wanted sa Masbate City, si Rosella at Cardo na nahuli at most wanted sa Camarines Sur, at si alyas “Rudito”na naaresto naman sa Daraga, Albay.

Read More:  19 Badjao rescued after flood traps group beneath Iloilo bridge

Pinuri naman ni PNP Bicol Regional Director PBGen. Andre Dizon sa isang pahayag ang mga operatiba sa likod ng mga pagkakaaresto sa mga kriminal at kanyang sinigurado na ipagpapatuloy pa ng kapulisan ng Bicol ang kanilang operasyon para mapanatiling ligtas ang mga Bikolano. # # # Pauline Manga, Intern