Na-monitor na 2 China vessels – nakalabas na ng EEZ ng bansa

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakalabas na ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa ang namonitor na pinakamalaking Coast Guard ship sa buong mundo at isa pang barko na pagmamay-ari ng China na namonitor sa kanluran ng Bajo de Masinloc noong nakaraang linggo.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ayon kay Navy spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Roy Vincent Trinidad, ‘nothing unsual’ na ginawa ang mga CCG vessels at hindi rin daw nagtagal ang mga barko sa EEZ ng bansa.

Nauna nang na-monitor ang Coast Guard ships 50 nautical miles mula Bajo de Masinloc.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Maaalalang sa X post ng SeaLight director na si Ray Powell, bago na-monitor sa eez ng bansa, nagsagawa ng patrolya ang CCG sa exclusive economic zones ng iba’t-ibang bansa para mag-establish ng kanilang presensiya.