Nangako si North Korean leader Kim Jong Un na pahuhusayain pa ang kanilang nuclear arsenal sa mas praktical at offensive na paraan.
Nakipagpulong si Kim sa mga mga opisyal ng militar upang talakayin ang paghahanda ng bansa sa digmaan sa harap ng frantic military exercises ng US at South Korea.

Sa ulat ng Korean Central News Agency, tinalakay umano sa pulong ang ilang issues na may kaugnayan sa pagpapalakas png kanilang defense capacities upang kontrahin ang banta na dulot ng mga isinasagawang drills ng ibang bansa.
Sinuri rin ni Kim ang frontline attack plans at iba’t-ibang combat documents at idiniin ang pangangailangan na palakasin ang kanilang nuclear deterrent.//CA