N. Korea muling nagtalaga ng mga kaso ng COVID-19

Nakapagtala ng bagong apat na kaso ng COVID-19 ang North Korea, dalawang linggo matapos nitong ihayag ang tagumpay laban sa coronavirus.

Ayon sa report, agad na isinailalim sa lockdown sa Ryanggang province, ang lugar kung saan naitala ang apat na kaso kung saan malapit ito sa border ng China.

Una nang idineklara ni North Korean leader Kim Jong Un ang tagumpay sa kanilang laban kontra COVID nang walang maitalang kaso mula July 29 hanggang August 11.

Nagpahayag naman ng pagdududa dito ang maraming experts kabilang na ang World Health Organizations.

Matatandaan na limitado ang testing capabilities ng North Korea habang tinutukoy nitong “fever cases” ang mga pinaniniwalaang COVID infections.