Ipinagdarasal na lamang ni Higher Education chief Prospero De Vera III ang seguridad at magandang kalusugan ng kanyang kapatid, na umano’y ranking officer ng Communist Party of the Philippines (CPP), na naaresto sa Quezon City.

Sa parehong pagkakataon, binigyang diin ni De Vera na hindi niya kinokonsente at pinapaboran ang pananaw ng kanyang kapatid, dahil lubusang suportado parin nito ang mga hakbang ng gobyerno para matuldukan ang communist insurgency.”
Ayon kay CHED chief, hindi pa niya nakakausap o nakikita ang kapatid na si Adora Faye de Vera, sa loob na ng mahigit 25 taon, matapos itong magdesisyon na sumali sa underground movement.
Dahil dito, ipinapaubaya ng opisyal sa batas ang pagresolba sa kaso laban sa kanyang kapatid.
Una nito, kinumpirma ni Philippine National Police chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na naaresto si Adora Faye sa Teacher’s Village, Quezon City, sa bisa ng outstanding warrant of arrest na inilabas ni Judge Guilljie Delfin Lim ng Iloilo City’s Regional Trial Court Branch 22.