Pinarangalan ang ilang opisyal at pulis mula sa Zambales PNP at Olongapo City Police Office.
Ito ay sa katatapos na 121st Police Service Anniversary na isinagawa sa Camp Olivas sa San Fernando, Pampanga.
Si PNP Provincial Director PCOL Fitz Macariola ay pinarangalan bilang Best Senior PCO for Administration.
Kinalala naman sina PSSg Jimson Laguardia bilang Best Junior PNCO for Operations habang si PSMS Noel Velonza ay tinanghal na Best Senior PNCO for Operations.
Samantala, ang Olongapo City Mobile Force Company ay pinarangalang Best City Mobile Force Company at ang Best City Police Office ay nakuha ng Olongapo City Police Office.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
