MWSS, kumpyansang walang water shortage sa tag-init sa gitna ng El Niño

Tiniyak ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa mga local government unit na walang magiging kakulangan sa tubig sa tag-init dahil sa lubos nilang paghahanda sa epekto ng El Niño.

Ayon kay MWSS Water and Sewerage Management Department Manager Patrick Dizon, inatasan na ang ahensya na magpatupad ng mitigation measures noon pang nakaraang taon.

Read More:  Bantay Impeachment: avoid delaying tactics in VP Sara impeachment trial

Dumating ang paglilinaw nang ipahayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang ang banta ng water supply interruptions matapos ang pakikipagpulong nito sa mga iba’t ibang water companies at barangay.

Read More:  Rep. Pulong calls for fair impeachment trial of VP Sara

Noong nakaraang taon, hiniling ng MWSS sa National Water Resources Board na itaas ang elevation ng tubig ng Angat Dam mula 212 hanggang 214 metro.

Ayon kay Dizon, magbibigay ang karagdagang dalawang metro ng dagdag na buffer room sa reservoir at matiyak ang sapat na suplay ng tubig sa tag-init.
#