MWP ng Tiwi, Albay na may kasong pang-aabuso, aresta sa Marikina City

LEGAZPI CITY – Arestado sa lungsod ng Marikina ang 31 anyos na lalaking mula sa bayan ng Tiwi, Albay dahil sa kasong pang-aabuso.

Kinilala itong si alyas “Jojo”, residente ng Purok Santol, Brgy. Nagas nasabing bayan at kasalukuyang naninirahan sa nasabing lungsod.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ayon sa report, natunton ng mga otoridad ang kinaroroonan ng akusado kaya’t agad nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad laban sa kanya.

Nang marating ang lugar, agad na isinilbi sa kanya ang warrant of arrest na pirmado noong Marso 31, 2019.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Nahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 7610 o Child Abuse na may piyansang aabot sa P200K para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nakatakda naman itong ibalik sa kanyang court of origin upang harapin ang kasong isinampa laban sa kanya.