KORONADAL CITY- KINORONAHAN bilang Miss Glamour Look Philippines 2022 si Mutya ng South Cotabato 2nd Runner-up Kimberly Porras na residente ng bayan ng Lake Sebu.
Isinagawa ang coronation night kagabi kung saan nakuha nito ang ilang mga awards na kinabibilangan ng Best in Grand Arrival Look, Best in National Costume at Best in Evening Gown.
Kaugnay nito, indineklara rin bilang runners-up ang ilan pang mga kandidata na kalahok sa nasabing pageant na nagmula pa sa mga lugar ng Luzon at Visayas.
Samantala, i-rerepresenta ni Porras ang Pilipinas sa Miss Glamour Look International 2023 na isasagawa sa bansang Indonesia.
