City gov’t ng Koronadal, naglabas ng guidelines sa mga gustong bumisita sa giant Christmas Tree

KORONADAL CITY—NAGLABAS na ng guidelines ang City Government ng Koronadal para sa mga gustong bumisita sa city hall ground at gustong masilayan ang Giant Christmas Tree ng lungsod na opisyal nang paiilawan mamayang gabi.

Ayon sa city government, bawal ang pagdadala ng back pack. Bawal din ang pagdadala ng baril at mga patalim. Bawal din sa lugar ang paninigarilyo, pagsugal at kahalintulad na mga gawain.

Read More:  Man found handcuffed, tied inside septic tank in Davao City

Ipinagbabawal din ng city government ang pagdadala ng mga alagang hayop at importanteng may kasamang adults ang mga batang papasok sa venue.

Read More:  Young motorists continue illegal street racing in General Santos City

Samantala, may naglaan din ng parking area ang city government kung saan maaari lamang mag-park ang publiko ng kanilang mga sasakyan.

Babala ng city government na may kaukulang multa o parusang naghihintay sa mga lalabag sa nabanggit na guidelines.