Maliban sa isang Olympic gold medalist – isa na ring ganap na world champion ang Pinay weightlifter na si Hidilyn Diaz-Naranjo.
Ito ay makaraang sungkitin niya ang tatlong ginto sa 55 kg event ng International Weightlifting Federation World Championships sa Gran Carpa Americas Corferias sa Bogota, Colombia
Nilampaso ni Diaz ang kanyang mga kalaban matapos matagumpay na mabuhat ang 93kg para sa snatch sa kanyang second attempt; at 114kg para sa first attempt ng clean and jerk.
Nakuha naman niya ang ikatlong ginto nang makuha ang best total na 207kg matapos talunin ang sampung iba pang weightlifters kabilang na sina Rosalba Morales ng Colombia na may 199kg total; at Ana Gabriela Lopez ng Mexico na may 198kg total.
#
