Taas-singil sa MERALCO – kasado na sa June billing

ABISO sa mga kosnyumer ng MERALCO – asahan na ang umento sa inyong mga June billing.

Ayon sa kumpanya, may idaragdag na P0.64/kwh sa inyong susunod na bill.

Ibig-sabihin, kung ang inyong tahanan ay nakakonsumo ng 200kwh, madaragdagan ito ng P128.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

May dagdag naman na P192 para sa mga nakakonsumo ng 300khw; P256 sa may 400kh na konsumo; at P320 sa mayroong 500kwh na konsumo.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Bunsod ito ng pagtaas sa transmission at generation charges, pati na rin ang iba pang mga buwis.

Hinati-hati naman ang aktwal na generation charge na P0.48/kwh kaya asahang magre-reflect pa ang butal hanggang sa July at September.