Muslim Community sa Naga City tumangi na munang magpaturok ng anumang COVID-19 vaccines

NAGA CITY – Tumanggi munang magpabakuna ng anumang COVID-19 vaccine ang mga muslim na naninirahan dito sa Naga City.

Ang dahilan ay takot daw ang mga ito sa posibleng maging epekto sa kanilang kalusugan.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Mike Mustapha ang ng Muslim Affairs Office.

Inamin ni Mustapha na nagdadalawang-isip nga ang mga kasamahan niyang magpaturok ng vaccine kabilang na siya sa kabila ng kampanya ng city government na magpabakuna lahat.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

May koordinasyon na rin anyang ginawa ang barangay council ng Concepcion Pequeña sa kanila subalit tinanggihan muna nila. Anya’y mag-uusap-usap pa sila bago magpapaturok ng bakuna kontra sa COVID-19.

Halos nasa dalawang libo ang populasyon ng muslim sa Naga.