Isa patay sa banggaan ng motorsiklo at closed van sa kahabaan ng Maharlika Highway sa bayan ng Labo

CAMARINES NORTE- Patay ang driver ng isang motorsiklo matapos mabangga ng isang closed van dakong 5:50 ng umaga nitong Hulyo 26, 2021 sa kahabaan ng Maharlika Highway Purok 1, Zone B, Barangay Exciban, Labo Camarines Norte

Ang biktima ay nakilalang si Lordson Bugtong y Laurel, 30 anyos at residente ng Barangay, Macogon, Labo, drayber ng kulay pulang Rusi Motorcycle

Samantalang ang drayber ng Mitsubishi closed van ay nakilalang si Randy Pasalo y Sisor, 37 anyos at residente ng Cabuluan, Victoria, Tarlac,

Ayon sa ginawang  imbestigasyon ng pulisya, habang binabaybay ng drayber ng Mitsubishi closed van ang kahabaan ng Maharlika Highway mula Maynila patungong bayan ng Daet, dakong 5:50 ng umaga nang makasalubong niya ang Rusi motorcycle na minamaneho ni BUGTONG na inukopa ang linya ng kalsadang kanyang binabaybay.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Upang maiwasan ang nasabing motorsiklo, lumipat siya sa kabilang linya subalit, bigla namang bumalik sa dati nitong linya ang motorsiklo na naging dahilan ng pagsalpok dito ng kanyang minamanehong sasakyan.

Si BUGTONG ay nagtamo ng pinsala sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan at agarang dinala ng mga rumespondeng tauhan ng MDRRMO-Labo sa Camarines Norte Provincial Hospital subalit binawian ng buhay habang ginagamot sa nasabing hospital.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Maswerte namang namang walang tinamong pinsala  sa katawan ang driver ng nasabing closed van.

Inaalam pa ang halaga ng mga pinsala ng sangkot na sasakyan na ngayon ay nasa  kostudiya na ng  Brgy. Council ng Brgy. Exciban, Labo, Camarines Norte.

Samantala, ang drayber ng Mitsubishi closed van ay nasa kostudiya na nang Labo MPS para sa kaukulang disposisyon.

(Photo courtesy: CNPPO)