Mga personahe ng Solid Waste Management Office sa Naga nakatakda na ring bakunahan

NAGA CITY – Nakakatiyak na ngayon ang mga personahe ng Solid Wste Management Office ng Naga City na mababakunahan na ang iba sa kanila ngayong may paparating na namang bakuna sa lungsod.

Ito ang inihayag dito sa Brigada News FM Naga ni SWMO Chief Engr. Joel Martin.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Hanggang ngayon kasi iilan pa lamang sa kanilang mga empleyado ang nakatanggap ng 1st dose dahil na rin sa antalang pagdating ng mga vaccines.

Inamin din niya na tulad ng ibang sektor, may ayaw ding magpabakuna sa kanyang mga kasamahan dahil na rin sa pagduda subalit ito ay pilit niyang hinihimok para na rin sa proteksyon.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Ngayong linggo ay may mga naka schedule na sa kanila, samantalang siya ay sa August pa para sa 2nd dose ng vaccine.