Muslim community sa Camarines Norte sama- samang ipinagdiwang ang Eid’l Fitr kaninang umaga

CAMARINES NORTE- Sama- samang ipinagdiwang ng Muslim Community sa Lalawigan ng Camarines Norte ang Eid’l Fitr kaninang umaga.

Tinatayang nasa mahigit kumulang dalawang daang muslim ang dumalo sa pagdiriwang na ginanap sa Borabod Mosque sa bayan ng Daet.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Hadji Nasser Dimalna, Pangulo ng Muslim Community sa Daet, at Pangalawang Pangulo ng Salaam Police Advocacy Group (SPAG) sa Bicol region, sinabi nito na ang kanilang panalangin ngayong taon ay ang kapatawaran ng pagkakasala ng bawat isa.

Dalangin din umano nila ang pagkakaroon ng kapayapaan sa buong mundo, paglaganap ng pagmamahalan at pagkakaisa hindi lang sa mga muslim kundi sa lahat ng tao anuman ang paniniwala.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Kahapon, araw ng linggo ay inanunsiyo ng Grand Mufti ng Bangsamoro Darul Ifta na magsisimula ang selebrasyon ng Eid’l Fitr ngayong araw, May 2, 2022

Kasunod ito ng tradisyunal na moon-sighting session na ginawa noong weekend kung saan nakita ang bagong buwan.

Ayon kay Dimalna, una nilang nalaman ang hinggil sa moon- sigthing sa bansang Brunei at nakita din ito sa iba pang panig ng mundo.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Isa ang Eid’l Fitr sa pinaka importanteng okasyon sa Islam na tinatawag ding festival of the breaking of the fast, ang hudyat ng pagtatapos ng Ramadan na nagsimula noong April 13.

Pagkatapos ng sama- samang panalangin kanina ay nagkayapan ang mga muslim at ang iba pa nga ay naging emosyonal

Paliwanag ni Dimalna, isa itong tradisyon sa kanila na lapitan kung mayroon mang nakaalitan upang makipagkasundo.

Ipinamahagi rin sa mga dumalo sa selebrasyon ang mga nakahandang pagkain upang ito ay mapagsaluhan.