United Kingdom— Hanggang saan aabot ang pagmamahal mo sayong alagang hayop? Ano ang kaya mong gawin para lamang hindi sila mawalay sayo?
Sa United Kingdom, isang 49-anyos na babae na nagngangalang Deborah Hodge ang nagpakasal sakanyang alagang pusa sa pamamagitan ng isang ‘civil wedding’.
Ayon kay Deborah, kinailangan niya itong gawin upang hindi mapalayas ang kanyang alaga sa tinitirhan niyang apartment kung saan ipinagbabawal ang pag-aalaga ng aso at pusa.
Dagdag pa niya, umaasa umano siyang sa pamamagitan ng pagpapakasal sa alagang pusa, makikita ng landlord ng apartment kung gaano niya ito kamahal at mabigyan sila ng pagkakataon na magsama nang walang anumang pagbabawal.
Isinagawa ang civil wedding sa pagitan ng tao at pusa sa isang pampublikong Park sa South East London na pinangunahan ng isang civil wedding officiant.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol