Murder suspect sa bayan ng Barira MDN, sumuko sa pulisya ng kalapit bayan nitong Parang

Sumuko ng kusa ang isang lalaki na suspek sa pamamaril patay sa isang nagngangalang Orak Macabalang Tiolo noong June 13, 2024 sa bayan ng Barira, Maguindanao del Norte.

Ang suspek na si Arif Aratuc ay kusang sumuko kay Police Lieutenant Col. Erwin Tabora ng Parang Municipal Police Station kahapon.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sinabi ni Col. Tabora na kasama ng suspek sa pagsuko ang kanyang mga magulang at mismong hepe ng Barira MPS upang matulungan sila at makaiwas sa anumang ganti ng mga kaanak ng kanyang pinatay.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Gayunman tiniyak ni Col. Tabora na gugulong pa rin ang kaso laban sa suspek at pananagutan nito ang krimeng ginawa maliban na lamang kung magkaroon ng amicable settlement sa dalawang panig.

Sa kasalukuyan nasa kostudiya ngayon ng Parang MPS ang suspek na si Aratuc.