Caliber .38 na baril, isinuko sa himpilan ng pulisya

Kusang isinuko ngayong araw ng isang concerned citizen sa Barangay La Torre North, Bayombong, Nueva Vizcaya ang isang calibre .38 na baril sa himpilan ng Bayombong Police Station.

Ang nagsuko ay kinilala sa alyas na Alva, 57-anyos, retiradong library assistant na residente sa nasabing bayan.

Read More:  Woman killed in alleged jealousy-fueled stabbing; Partner arrested

Mayroong serial number na 854518 ang calibre .38 na baril kung saan wala ito sa listahan ng Firearms Information Management System ng Civil Security Group.

Read More:  7 drivers test positive in initial Bacolod drug screening

Pagpapakita ng kooperasyon at pagiging responsible ng publiko ang boluntaryong pagsuko ng baril na kabilang sa ipinapaalala ng kapulisan sa patuloy na kampanya laban sa Loose Firearms at Oplan Kontra Boga.