Murang sibuyas at iba pang gulay mabibili sa KADIWA ng DA- Bicol

NAGA CITY- Ramdam pa rin ng mga mamimili na mahal pa ang  bentahan ng sibuyas pati na rin iba pang mga gulay.

Sa Lunes, Feb. 6, 2023 alas-3 ng hapon muling magkakaroon ng sibuyas na aabot lamang sa P150.00 ang bawat kilo sa KADIWA on Wheels ng Department of Agriculture sa San Agustin, Pili.

Read More:  Top NPA leader killed in Surigao del Sur encounter

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Love Guarin, tagapagsalita ng DA Bicol binanggit na bukod sa mga lokal na magsasaka na nagbigyan ng puwesto sa compound ng ahensya, direktang kukuha ng supply ang Agriprimeur Farmer’s Producers Association ng Libmanan  sa mga magsasaka kaya mura rin ang presyo. Kapag galing sila sa Maynila sa pagdala ng produkto mula Bicol kumukuha naman ng murang produkto mula roon na siyang dadalhil sa Pili.

Read More:  ₱15.6-million worth of shabu seized in Davao City buy-bust operation

Bukod dito may mura ring asukal na mabibili sa P75.00 ang bawat kilo.