Munisipyo ng Lantawan sa Basilan, dineklara nang ASG-free

Opisyal nang idineklara bilang ASG o Abu Sayaff Group Free ang munisipyo ng Lantawan sa Basilan.

Isinagawa ang deklarasyon sa isang seremeonya kahapon sa pangunguna ni Basilan Governor Hadjiman Hataman-Salliman

Sa seremonya , ipinresenta ang iba’t ibang armas na isinuko o narekover mula sa mga miyembro ng ASG.

Ayon kay 101st Infantry Brigade Commander BGen. Alvin Luzon, ang deklarasyon ng bayan ng Lantawan bilang ASG-free ay isang “historic milestone.”

Maalaalang , ang Lantawan ay naging major battlefield kung saan hinarap ng mga tropa ng sundalo ang kilabot na Abu Sayyaf Group sa ilalim ng iba’t ibang lider, kabilang sina Abdurajak Abubakar Janjalani, founder ng ASG ; Khadaffy Janjalani; Abu Sabaya; at Isnilon Hapilon, ang dating emir ng ISIS Southeast Asia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *