Illegal drug operations na posibleng gamitin upang pondohan ang susunod na eleksyon, mahigpit na babantayan ng PNP

Mahigpit na babantayan ng Philippine National Police ang illegal drug operations na posibleng gamitin upang pondohan ang mga aktibidad na may kaugnayan sa eleksyon ng ilang politiko.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, makikipag-ugnayan sila sa PDEA upang mapag-usapan ang kanilang istratehiya laban sa ganitong aktibidad.

Sinabi ni Marbil na inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang PNP na magsagawa ng mas agressive operation laban sa mga sindikato at high-profile drug personalities.

Sa command conference noong Martes kasama ang Pangulo, iniulat ng PNP ang pagsasagawa ng 92,904 operations, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 116,740 na indibidwal at pagkakakumpiska ng PHP11.89 bilyong halaga ng iligal na droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *