Municipal Treasurer’s Office ng Basud bukas sa holiday at Sabado para sa mga magbabayad ng Real Property Tax na ang amnesty ay hanggang ngayong buwan na lang

CAMARINES NORTE – Inanunisyo ng Municipal Treasure’s Office ng Basud Camarines Norte na bukas ang ang kanilang opisina bukas September 28, at sa Sabado, September 30 para sa mga magbabayad ng Real Property Tax na ang amnestiya ay hanggang ngayong buwan na lang.

Sa post sa facebook ni Municipal Treasurer Angelie Barrameda, ito ay upang bigyan ng pagkakataon na makapagbayad ang ating mga tax payers sa buwis ng lupa at iba pang mga ari-arian sa ilalim ng Programang Real Property Tax Amnesty.

Ang huling araw ng nasabing programa ay ngayong darating na September 30, 2023 na sinimulan noon pang nakaraang taon.

Malaking kagaanan sa paning ng mga may pagkakautang dahil walang sisingiling multa, interes at surcharge sa mga Real Property.

Nagpasalamat naman ang MTO sa mga Barangay dahil sa kooperasyon at tulong na ibinibigay ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *