Nakipagpulong ang Punong Ministro ng Italya na si Giorgia Meloni kay French President Emmanuel Macron sa Roma sa gitna ng tensyon ng dalawang bansa dahil sa migration.
Isinabay ni President Macron ang pagbista kay PM Meloni dahil dinaluhan nito ang libing ng dating pangulo na si Giorgio Napolitano, na namatay noong Biyernes sa edad na 98.
Naniniwala si Macron na hindi nila maaring pabayaan ang mga Italyano bilang alok ng sa pag tulong sa bansa, na malugod namang tinanggap naman ni Meloni. Huling nagkita ang dalawang lider sa Paris noong Hunyo, at pareho rin silang nakatakdang dumalo sa summit ng mga pinuno ng Mediterranean sa Malta sa darating na Biyernes.
