Municipal Ordinance hingil sa paniningil ng environmental fee sa mga pasahero na patungong Visayas at Mindanao, idineklarang invalid ng SP

Idineklarang invalid ng Sangguniangg Panlalawigan ng Sorsogon ang Matnog Municipal Ordinance No. 2023-02 o ‘’An Ordinance Charging Environmental Fee to all Passengers bound to Visayas and Mindanao.’’

Sa Resolution No. 165-2023 ng Sanggunian, inilatag ng Provincial Legal Office ang mga legal basis sa nasabing deklarasyon, una na rito ay dapat hindi lamang umano mga pasahero na patungong Visayas at Mindanao ang magiging sakop ng ordinansa, aniya dapat ay ipatupad ito sa para sa lahat bilang bahagi ng pantay-pantay o equal protection clause ng batas.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Dapat din na nagkaroon ng public consultation, dahil ang direktang maaapektuhan nito ay mga pasahero.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ayon pa sa Resolution No. 165-2023, ang basic services na mapupuntahan ng pundong makokolekta mula sa nasabing Ordinansa ay kaparehong layunin o nakapaloob na sa kasalukuyang Memorandum of Agreement ng LGU at ng Pamahalaang Lalawigan sa ilalim ng Kalinigan project ng 7K flagship program.