Mungkahing number coding sa mga tricycle sa Naga City mariing tinanggihan ng mga driver at operators

NAGA CITY –Mariing tinanggihan ng transport sector na nasa panig ng tricycle at e-trike sa Naga City ang number coding na iminungkahi ng isang state college na kung mangyayari ay tiyak na maapektuhan ang mahigit 300 mga drivers.

Suggestion ito na lumabas batay sa naging pag-aaral na ang pinakalayunin ay mabawasan ang mga sasakyan sa lungsod lalo na sa malapit sa university belt na nagdudulot ng trapiko.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Batay sa paliwanag ni Kagawad Gil Belen ng Barangay Dayangdang na siya namang federation president ng Tricycle, E-Trike Drivers/Operators sa lungsod, sinabi niya na kawawa naman ang mga kasamahan niya kung mangyayari ito.

Marami naman aniyang paraan na dapat gawin ang mga kolehiyo at unibersidad kung papano masusulosyunan ang inirereklamong trapiko kung rush hours, umaga man o hapon.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Anya’y isa sa nakikita nilang solusyon ay iyong bawalan ang mga illegal na mga sasakyan na galing sa ibang bayan na pumi-pick up ng mga pasahero sa mga paaralan, bukod pa diyan ang illegal parking ng mga pribadong sasakyan.