LEGAZPI CITY – Mahigit dalawang daang mga indibidwal ang nabigayn ng libreng asistensyang medical sa bayan ng Daraga, Albay sa pamamagitan ng Arangkada Banwa Mobile Lab and Clinic (ABMLC).
Ito ang huling datos ng lokal na pamahalaan ng Daraga sa pagsasagawa ng operasyon ng ABMLAC sa Daraga Covered Court at sa Anislag Infirmary.
Ang ABMLC ay isang programa ng LGU ng nasabing bayan upang mas mailapit pa ang access sa healthcare para sa mga Daragueño na nasa malalayong lugar at mga residenteng walang kapasidad na makapagpatingin sa doktor.
Nanawagan naman ang LGU sa mga nais na mag-avail ng libreng konsultasyon o check-up, laboratory tests at dental services, maaaring pumunta sa Daraga Covered Court, mula Lunes hanggang Biyernes, 6:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon, mayroon din sa Anislag Infirmary Lunes hanggang Biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.