2 gintong medalya, nasungkit ng 2 atleta ng Masbate sa National Invitational Sports Competition

SORSOGON CITY – Nasungkit ng dalawang atleta mula sa DepEd Masbate Province Division ang dalawang gintong medalya sa katatapos pa lamang na National Invitational Sports Competition na isinagawa sa Iloilo City.

Nakakuha ng gintong medalya sina Courtney Jewel Trangia sa larong Discuss Throw habang si Leonilyn Compuesto ay sa 400 meter dash.

Maliban pa dito nakakuha rin ng bronze medal sa larong Shot Put si Trangia habang silver medal naman ang nakuha ni Compuesto sa 200 meter dash at bronze medal sa 100 meter dash.

Bunsod nito, sina Trangia at Compuesto ay miyembro na ng Philippine Team para sa darating na ASEAN School games na magaganap sa Dumaguete City sa Nobyembre 18-27 nitong taon.

Ang iba pang atleta na nakakuha ng medalya ay sina Ana Bhianca Espenilla, na nakakuha ng silver sa Javelin Throw at Jonathan Bellosillo na nakasungkit ng bronze sa larong Triplr Jump.

Ang National Invitational Sports Competition ay nagsimula noong Mayo 29 at nagtapos noong Martes, Mayo 31 ng kasalukuyang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *