Muling pagtaas ng taripa sa kuryente ngayong Mayo, ipinaliwanag ng CASURECO II

CAMARINES SUR – Umani na naman ng negatibong reaksyon mula sa maraming consumer ang muling pagtaas o dagdag na dalawang piso sa taripa ngayong Mayo ng  Camarines Sur II Electric Cooperative.

Na ayon sa isang consumer, “mataas nga, wala naman maayos na supply ng kuryente”, dagdag naman ng isa, “ngayon pa talagang panahon, siguro hindi kayo nagbabayad din sa kuryente!”

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ayon kay Rinner Bucay, Spokesperson ng CASURECO II, P10.7583/ kwh sa residential, P9.8830/ kwh sa low voltage at P9.0416/ kwh sa high voltage, numipis at may kakulangan ngayon sa supply ng kuryente, napakalaki din ang naging kontribusyon ng mataas na demand ng mga consumer, at nagmahal pa ang singil sa ibinibiling supply kung saan pinag-uusapan na rin sa Senado lalo na hindi lamang sila ang nakakaranas nito.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Marami na sana ang pupwedeng mapagkunan ng supply ng coal lalo na sa Bicol, na dapat makita ng Pamahalaan ayon pa sa opisyal. Sa huli panawagan nito, ang magtipid sa kuryente.