Muling pagsasapubliko ng SB Session sa bayan ng Goa, panawagan ng isang Youth Leader; Transparency at Accountability, dapat bigyang-diin

CAMARINES SUR — Isapubliko muli ang Sangguniang Bayan Session sa lokal na gobierno ng Goa, sa Partido Area, ito ngayon ang panawagan ng isang youth leader sa nasabing bayan, halos mag-iisang taon simula nang matigil ang pag-ere ng session sa facebook page nito, kasabay ng pagbibigay-diin sa kahalagahan ng transparency at accountability sa pamamahala.

Sa panayam sa Brigada News FM Naga, sinabi ni Nikayla Odi, isang youth leader at good governance advocate, bagaman hamon sa nasabing bayan ang Internet connectivity, dapat aniya magsilbi pa itong rason upang gumawa ng paraan ang LGU upang maipaabot sa mga malalayong barangay ang mga isyu at ordinansang tinatalakay sa Sanggunian. Dagdag pa ni Odi, isulong ang i-governance na una nang ipinatupad ng nayamayapang dating kalihim, Jesse Robredo sa lungsod ng Naga. Sa paraang ito ayon sa kanya, mas magkakaroon ng access ang publiko, partikular na ang mga Goaeño sa mga nangyayari sa LGU at sa mga impormasyong dapat alam ng mga ito.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase
Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

“Magtiwala naman sa mga lokal na  opisyal,”  ang naging komento ng presidente ng Goa Youth Federation, Dessa Sierva, subalit hindi dapat tanggalan ng pagkakataon ang publiko na malaman ang mga impormasyong ito.

Sa ngayon, sinusubukan pang kunan ng pahayag ng BNFM Naga ang Sanggunian Bayan Secretary at ang mga lokal na opisyal hinggil sa isyu, ngunit bigo pa ang estasyong makuha ng panig ng mga ito.