MTRCB, sunuspende ng 14 na araw ang dalawang programa ng SMNI

Pinatawan ng Movie and Television Review and Classification Board ng 14 na araw na suspension ang dalawang programa ng Sonshine Media Network International o SMNI.

Epektibo simula noong Martes ang suspension order kasunod ng mga natanggap na reklamo MTRCB na labag sa Presidential Decree 1986 sa programang Gikan sa Masa, Para Sa Masa at Laban Kasama Bayan.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Nagkaroon umano ng death threats at may mga salitang dapat hindi binitiwan ang mga guest sa dalawang episode nito.

Read More:  Ombudsman files plunder complaint vs. Romualdez, Co

Hindi berepikadong balita naman ang ipinakalat ng isang programa ng SMNI na may P1.8 bilyon travel fund umano si House Speaker Martin Romualdez.

Sinabi ng SMNI nirerespeto nila ang pagpataw ng suspension at pinag-aaral din nila ang susunod na legal na hakbang.