MPD, bukas sa pag-iimbestiga upang malaman ang paratang ng extortion sa ilan nilang tauhan

Bukas sa pag-iimbestiga ang Manila Police District (MPD) upang malaman ang katotohanan sa paratang ng extortion sa ilang tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Barbosa Police Station.

Ito’y matapos masibak sa pwesto ang ilang pulis upang hindi maimpluwensiyahan ang imbestigasyon laban sa kanila.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay MPD Spokesperson PMaj. Philipp Ines, hanggang sa kasalukuyan ay walang lumulutang na nagrereklamo laban sa kanila.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Nag-ugat ang pagkakasibak sa mga pulis dahil sa isang social media post ang lumabas na nagsasabing dumayo ang mga ito sa lugar ng Station 2 para mang-aresto ng dalawang babae.

Sa alegasyon sa post, wala umanong warrant na dala ang mga pulis at pinakawalan lamang ang mga babae matapos di umanong magbayad ng P45,000.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Pero ayon kay Maj. Ines , malinaw sa video na walang nakitang nahuli, dinala at inarestong mga indibiwal.

Nakikipag-ugnayan na rin daw sila sa nag post sa social media upang malaman ang katotohanan dito.
VC_INES_EXTORTION