Sinimulan na ni bagong-talagang Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang reorganization sa Department of Agriculture kasabay ng pag-appoint sa kanyang chief of staff.
Nilagdaan ni Laurel ang Special Order 1360 na siyang nagluloklok sa abogadong si Alvin John Balagbag bilang bagong chief of staff at head executive assistant kapalit ni Agriculture Assistant Secretary Rex Estoperez.
Dahil dito ay nanawagan ang bagong kalihim sa lahat ng mga opisyal at empleyado ng DA, maging sa mga bureaus, attached agencies, mga korporasyon, at regional offices nito ng buong suporta at pakikipagtulungan kay Balagbag.
Itinalaga rin ni Laurel si Assistant Secretary Genevieve Velicaria-Guevarra bilang head ng Kadiwa program na dating hinahawakan ng na-dismiss na si assistant secretary Kristine Evangelista.
Maliban sa mga ito, inisyu ng Agriculture Secretary ang Special Order 1361 na siyang nagtatatag kay Maria Alilia Maghirang bilang non-resident agriculture attaché sa Republic of Palau.