Tiniyak ng Office of the Provincial Prosecutors ng Misamis Occidental na ipa-prayoridad nila ang kaso ng radio brodkaster na si Juan Jumalon.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, nagbigay ng commitment ang Provincial Prosecutor na resesolbahin nila ang kasong inihain sa Police Regional Office 10 sa loob ng sampung araw.
Nauna rito, inirefer na PNP ang kasong murder at theft laban sa isang hindi pinangalanang suspek at dalawang john doe na sangkot sa pamamaril at pagpatay kay Jumalon.
Ito’y para sumailalim sa evaluation ng Assisting Prosecutor sa ilalim ng case build-up mechanism ng Department of Justice alinsunod sa DOJ Department Circular No. 20.
Hindi muna iibinunyag ang pagkakakilanlan ng mga suspek habang nagpapatuloy ang case build-up sa nangyaring pagpaslang kay Jumalon.