Sugatan ang isang motorista matapos itong maaksidente sa Diversion Road Barangay Kanlurang Mayao, Lucena City nitong Linggo Marso 31.



Nagtamo ng galos sa parehong braso at pagdudugo ng ilong ang driver ng motorsiklo habang ang angkas naman nito ay nagtamo ng pananakit sa kaliwang binti nito.
Agad namang dinala sa hospital ang biktima upang malapatan ng lunas.