Motorista naovershoot, patay!

PATAY on the spot ang isang motorista matapos masangkot ito sa aksidente sa Sitio Tuka, Barangay Tapian ng bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao bago mag-alauna kahapon.


Nakilala ang biktima na si Norman Tambunan, 32 anyos na residente ng bayan ng Libungan sa North Cotabato.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu


Sa pahayag ng isa sa mga kasamahan ng biktima, pauwi na sila matapos bisitahin nito ang kanyang lolo sa bayan ng Datu Blah Sinsuat at habang binabaybay ang Provincial Road ng aksidente itong na-overshoot dahil sa bilis ng kanyang pagpapatakbo ng motorsiklo.


Bumangga pa ito sa isang poste ng koryente at tumilapon ang biktima sa sementong bahagi ng kalsada sanhi para magtamo ito ng matinding sugat sa kanyang ulo.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental


Sinikap pang dalhin sa ospital si Tambunan ngunit bago paman ito makarating sa ospital ay tuluyan ding binawian ng buhay.