Motorista, nag-ala ‘Need for Speed’ nang mahuling dumaan sa EDSA Busway

Tila nag-ala ‘Need for Speed’ ang isang motoristang nagtangkang tumakas at muntik pang makasagasa ng mga operatiba ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation nang mahuli itong dumaan sa EDSA Busway.

Sa patuloy na isinasagawang operasyon ng SAICT, walang lusot ang mga pasaway na violator na patuloy dumadaan sa EDSA busway kahit hindi ito mga awtorisado, kabilang ang isang motoristang nagpumilit tumakas at muntik ng makadisgrasya ng mga tauhan ng SAICT nang parahin ito.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Sa huli, pinagsabihan ang rider at inissuehan ito ng violation ticket.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Ayon sa SAICT, patuloy na ipapatupad ang panuntunan sa EDSA busway kabilang ang paghuhuli sa mga hindi awtorisadong sasakyan at mga convoy nito kabilang dito ang mga sikat na personalidad sa industriya, mataas na tao sa lipunan, government vehicles, at iba pang ahensiya at indibidwal.