Motor, sumalpok sa concrete island; Dalawa, patay

Patay ang dalawang lalaki matapos sumalpok sa concrete island ang sinasakyang motor sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Ilayang Iyam, Lucena City nitong Lunes, Agosto 5.

Dead on the spot sa aksidente ang driver ng motor na si alyas “Jerick”, 31-anyos at ang backrider nito na alyas “Jaypee”, 26-anyos matapos magtamo ng matinding injury sa ulo.

Read More:  2 NPA members killed, 3 high-powered rifles seized after series of military clashes in Bukidnon

Napag-alaman din na walang suot na helmet ang dalawa nang mangyari ang aksidente.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pamilya ang mga labi ng nasawi.