Patay ang backrider ng isang motor habang sugatan naman ang driver nito matapos sumalpok ang minamaneho sa concrete barrier sa Barangay Mayuwi, Tayabas City nitong Miyerkules, Mayo 22.
Ayon sa police report, nawalan umano ng kontrol ang driver sa minamanehong motor na nagresulta sa pagsalpok nito sa nasabing barrier.



Parehong nagtamo ng mga injury sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga sakay ng motor kung kaya isinugod ito sa hospital subalit idineklarang dead on arrival ang backrider.
Napag-alaman na nasa ilalim noon ng impluwensya ng alak ang driver ng nasabing motor bago ito nanghiram ng motorsiklo sa kanilang katrabaho.
Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa aksidente.