Motor at tricycle, nagsalpukan sa Sariaya, Quezon; Rider, patay

Patay ang driver ng isang motor matapos nitong makasalpukan ang isang tricycle sa Barangay Manggalang Kiling, Sariaya, Quezon nitong Lunes, Hunyo 3.

Base sa report, patungonoon sa direksyon ng San Juan, Batangas ang tricycle na minamaneho ni alyas “Ronicon”, 24-anyos, nang makasalpukan nito ang kasalubong na motor na minamaneho ni alyas “Michael”, 27-anyos.

Read More:  MILF convoy stopped at Lanao del Norte checkpoint

Parehong nagtamo ng mga injury sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga driver ng parehong sasakyan subalit binawian ng buhay si Michael kalaunan.

Read More:  Forest fire affects 7 hectares in Davao de Oro

Samantala, bukas umano ang magkabilang mga panig sa pagkakasundo sa mga usapin hinggil sa aksidente.