Motion for Intervention ng Pasang Masda – wala raw epekto sa nakabinbing TRO

Hindi nangangamba ang grupong Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide o PISTON sa ipinasang “motion for intervention” ng grupong Pasang Masda sa Supreme Court (SC).

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay PISTON National President Mody Floranda, sinabi nito tuloy pa rin ang kanilang petisyon para sa Temporary Restraining Order (TRO) sa SC para sa suspensyon ng PUV mo­dernization program.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Samantala, bukod sa Pasang Masda ay kaisa rin ang grupong ALTODAP at LTOP sa nagpakita ng suporta sa PUV modernization at naghain ng mosyon sa SC na anila’y isang maayos na labor standards para sa mga drivers, operators, at transport workers ang maidudulot ng modernisasyon.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano