Nagpasa ng bagong criminal code ang mga Indionesian lawmakers na nagsasakriminal sa sex outside marriage bilang bahagi ng pagbabago sa bansa.
Ang bagong code na maaari ring i-apply sa mga dayuhang residente at turista ay nagbabawal sa pagli-live in bago ang kasal at nagbibigay ng parusa para sa pang-iinsulto sa pangulo o pagpapahayag ng mga pananaw na salungat sa national ideology ng bansa.

Ang Indonesia na isang Muslim-majority nation ay mayroon mataas na religious conservatism sa mga nakalipas na taon.
Ang mahigpit na batas ng Islam ay ipinapatupad sa mga bahagi ng bansa kabilang ang semi-autonomous na lalawigan ng Aceh, kung saan ipinagbabawal ang alak at pagsusugal.
Samantala, ang rights groups at mga kriotiko ng bagong criminal code ay nagbabala at nagsabing hindi lang ito makakaapekto sa mga kababaihan kundi maapektuhan rin nito ang karapatang pantao at kalayaan ng bansang mayroong higit 270 million katao na nakatira.//CA