Monthly operation para scheduled preventive maintanance ng SOCOTECO-1, tututukan

KORONADAL CITY- MAS ipapaibayo pa ng South Cotabato Electric Cooperative o SOCOTECO-1 ang kanilang monthly operation kaugnay sa scheduled preventive maintanance.

Ito ang inihayag ni SOCOTECO-1 General Manager Engr. Raffee Edsel Epistola sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal sa layuning mabawasan ang nangyayaring power interruption.

Read More:  Tricycle driver stabbed by minor in Bacolod City

Kaugnay nito, kaniya ng binigyan ng direktiba ang kaniyang mga kawani na tutukan ang kani-kanilang mga area of operation.

Read More:  71-year-old guard shoots worker in Mandaue over alleged bullying

Inihayag ni Epistola, na matagal na naitatag ang SOCOTECO-1 kung saan matagal ng ipinapatupad ang inspeksyon ngunit ito ang kanilang mas tututukan para sa ikabubuti ng lahat lalo na sa Koronadal na siyang Regional Center sang SOCCSKSARGEN.