Monitoring sa mga uuwing pasahero mula sa ibang bansa, mahigpit na ipapatupad sa Bicol International Airport

BNFM BICOL—Mahigpit at istriktong ipapatupad sa Bicol International Airport ang monitoring sa mga uuwing pasahero mula sa ibayong dagat sakaling magkaroon at tumanggap na ng international flights ang nasabing paliparan.

Sa isang panayam inihayag ni Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP Region V – Area Manager Cynthia Tumanut na wala pang ibinababang abiso ang CAAP Central Office sa kanilang tanggapan patungkol sa kanilang pagtanggap ng international flights ngunit siniguro ng opisyal na handa aniya ang BIA para dito.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ganunpaman, dahil pa rin sa nagpapatuloy na banta ng pandemya, sinabi ng opisyal na kinakailangan ang tulong ng ibang mga ahensya ng pamahalaan gaya ng OWWA, DOH at DOT kung saan ang mga ito umano ay magiging bahagi sa pag process ng mga international passengers.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sa huli ipinaalala ni Tumanut sa mga biyahero na sundin ang mga kaukulang dokumento upang walang maging problema sa biyahe at para masiguro ang kaligtasan ng marami.###