Mobile vaccination para sa mga vendors sa Tacurong, isinagawa

KORONADAL CITY- NAGSAGAWA ng Mobile Vaccination laban sa Covid-19 ang city government ng Tacurong para sa mga market vendors.

Sa isang vaccination site, tinipon ang lahat na mga vendors para sa kanilang pagtanggap ng bakuna na Pfizer.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Nabatid, na marami pa rin ang mga market vendors sa lungsod ang hindi nakapabakuna dahil hindi maiwan ang kanilang mga paninda.

Sa kabila nito, patuloy padin ang isinasagawang pamamakuna sa City Cultural and Sports Center o City Gym para sa mga priority groups kagaya ng senior citizens at mga persons with disbility o PWDs.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Base sa datos, nasa mahigit 50,000 na ang na-adminiter na mga bakuna ng lungsod gamit ang Sinovac at iba pang mga bakuna.