KORONADAL CITY- NAKATAKDANG makatanggap ng Unifast grant ang 23, 789 na mga bagong Tertiary Education Subsidy grantees sa Rehiyon-12 ayon sa Unifast at Commission on Higher Education o CHED-12.
Umaabot sa P30,000 sa bawat semetre ang maaaring matanggap ng mga estudyante na nakapagpa-enroll sa mga paaralan ngayong academic year 2021, samantala P20,000 naman ang maaaring matanggap ng mga nasa pampublikong mga paaralan.
Kaugnay nito, umaabot sa 97% ng mga TES grantees sa Soccsksargen ang nakatanggap ng subsidiya.
Nabatid, na pinondohan ng P719-million ang naturang prorama para sa 24,432 validated grantees ng Rehiyon-12.
