Mobile blood donation

Mobile blood donation, isasagawa ng PRC-Isabela Chapter Magsasagawa ang Philippine Red Cross – Isabela Chapter ng Mobile Blood Donation Activity sa ika-14 ng Hunyo taong kasalukuyan.

Ito ay gaganapin sa isang Mall sa Alibagu, City of Ilagan, Isabela mula alas-nuwebe ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.

Ang naturang aktibidad ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Blood Donor Day kaya’t hinihikayat ng tanggapan ang mga nais na magdonate ng dugo na ihanda ang sarili at magtungo lamang sa nasabing lugar.|#BrigadaNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *