61-anyos na tatay at 41-anyos na nanay sa Pangasinan nakabuo pa ng triplets

Blessing kung ituring ng mag-asawang Cecilia Macam at Romulo Perez mula sa San Carlos City, Pangasinan ang pagkakaroon nila ng healthy triplets sa kabila ng kanilang mga edad.

Si Cecilia kasi ay nasa 41 years old na habang ang asawa naman nito na si Romulo ay nasa 61-anyos na.

Kuwento ni Cecilia, nalaman daw niyang tatlo ang nasa sinapupunan niya noong limang buwan na siyang buntis.

Biyudo’t biyuda na sina Romulo at Cecilia nang magkakilala.

May pitong anak si Romulo sa unang asawa habang may anim naman si Cecilia.

Dahil sa pagdating ng kanilang triplets mayroon na silang 16 na anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *